Walang nabuong compromise agreement kaugnay sa pagbabalik ng panukalang budget ng CHR o Commission on Human Rights para sa susunod na taon.
Sinabi sa DWIZ ni CHR Chair Chito Gascon na hindi siya pinilit ng liderato ng Kamara na magbitiw sa tungkulin para lamang ibalik ang dating budget nila.
Simpleng paliwanagan lamang aniya ang nangyari bagamat binawasan pa rin ng halos isandaang (100) milyong piso ang kanilang budget para sa 2018.
“Walang kasunduan of course we are a state institution, we have to continue to engage and challenge institutions that violates human rights pero wala po akong ginawang compromise.” Pahayag ni Gascon
Kasabay nito ay sinabi ni Gascon na kakatok pa rin sila sa Senado at Kamara na madagdagan ang kanilang budget.
“If they want us to do more, dapat equipped din tayo. Of course, sinusunod pa rin natin ang ating mandato.”
Aniya mahalaga ring maibahagi sa mga Pilipino ang pagkakaroon ng human rights education para sa pangangalaga ng ating mga karapatan.
(Sapol Interview)