Hindi sinang-ayunan ng mga Alkalde ng Metro Manila ang pagsasailalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ maging ang Modified Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region o NCR.
Ito ay ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, namumuno sa Metro Manila Council, ilan sa mga Alkalde ay nagpatupad na ng isolated lockdowns pati na rin sa mga establisyimento.
Dagdag ni Olivarez, hindi kailangan isakripisyo ang buong siyudad kung kaya namang isailalim sa isolated or granular lockdown ang isang Barangay.
Bukod dito, napagkasunduan na aniya ng 17alkalde ng Metro Manila na suspindihin ang lahat ng aktibidad sa Semana Santa daahil sa pagsipa ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Gayunman, hindi rin papayagan ang mga prusisyon maging ang ‘salubong’ sa pagkabuhay upang makontrol ang pagtitipon ng mga tao.— sa panulat ni Rashid Locsin