Muling bubuksan ng Philippine Sports Commission ang kanilang pasilidad para sa training ng national teams simula January 10.
Ito’y bilang preparasyon para sa Hanoi Southeast Asian Games at Huangzhou Asian Games sa susunod na taon.
Ayon sa PSC, aprubado na ng board ang balik-ensayo ng mga national athlete sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila, Philsports Complex sa Pasig at Baguio Training Camp.
Nakikipag-usap na rin ang komisyon sa IATF At local government units kaugnay sa pasilidad upang matiyak na lahat ng health protocols sa gitna pa rin ng Covid-19 pandemic.
Itoy dahil ang Covid-19 facilities sa Philsports at Rizal ay nananatiling operational. —sa panulat ni Drew Nacino