Mahigit 2-M estudyante ang balik eskuwela na sa South Korea ngayong araw na ito.
Ito ay bagamat hindi pa nakakapagbukas ang lahat ng mga eskuwelahan sa Soputh Korea.
Mayruong 561 eskuwelahan ang nananatiling sarado lalo na sa mga lugar na mataas pa ang banta ng community transmission ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa unang araw ng pagbubukas ng klase, dalawang high school students na isa ay mula sa Seoul at isa ay sa Daegu ang nag positibo sa COVID-19 tests
Dahil dito muling nagsara ang kanilang paaralan at mga kalapit pang eskuwelahan.
Ayon sa health authorities kontrolado na ang virus situation sa nasabing bansa.