Pinasaya ng DWIZ 882, sa pakikipagtulungan ng 97.9 Home Radio ang higit 400 mga estudyante mula sa Payatas C Elementary School sa Quezon City nitong Biyernes, Hunyo 8, 2018.
Bukod sa pamimigay ng mga regalo at school supplies, isang storytelling din ang isinagawa para sa mga bata na pinangunahan ni Dr. Luis Gatmaitan, Palanca Hall of Fame awardee at children’s book author. Ikinuwento ni Dr. Gatmaitan ang obra nitong “Sandosenang Sapatos” na nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak Palanca noong 2001.
Iba’t ibang palaro rin ang inihanda na kinagiliwan ng mga estudyante tulad ng Bring Me, Stop Dance at Longest Word. Lahat ng mga nanalo ay nabigyan ng mga papremyo.
Sorpersa ring bumisita si Eldar The Wizard at Princess Victoria ng Enchanted Kingdom kung saan ay naghandog pa ang mga ito ng sayaw para sa mga bata.
Ang naturang programa ay parte ng misyon ng DWIZ 882 na maghatid serbisyo publiko para sa mga pinaka-nangangailangang kababayan bilang pasasalamat sa patuloy na pagkamit ng tagumpay ng istasyon na sumasahimpapawid na sa loob ng 27 taon.
Hindi magiging matagumpay ang Balik Eskwela kung hindi dahil sa pakikipagtulungan ng mga sponsors at media partners:
-Enchanted Kingdom
-Hiyas (Children’s books)
-The Pastry Cream Bakehouse
-Lemon Square Cheesecake
-The Joy of Giving by Ms. Cristine Pascua-Halili
-Mega Sardines
-CPHA Food Services
-Trinity Marketing Inc.
-Happy Haus Donuts
-CNN Philippines
-Pilipino Mirror
-OMF Literature Inc.
Lubos din ang pasasalamat ng DWIZ 882 sa buong pamunuan ng Payatas C Elementary School, sa mga class advisers, personnel at sa principal ng paaralan na si Mr. Eliseo Manaay Jr.