Handa ang grupo ng mga pampribadong paaralan na simulan ang kanilang school year sa orihinal nitong buwan sa Hunyo.
Ito’y sa kabila ng plano ng Department of Education (DepEd) na ipagpaliban na lamang ang pagbubukas ng klase dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ka Eleazardo Kasilag, president ng Federation of Associations of Private School Administrators (FAPSA), handa ang kanilang mga miyembrong paaralan na magbukas ng klase sa Hunyo sa pamamagitan ng “blended learning”.
Dito aniya ay gagamitin ang online media at ang tradisyunal na face-to-face teaching para turuan ang mga bata.
Ani Kasilag, mag iisang dekada nang simulang pasukin ng technology- mediated ang edukasyon ng nasa 3-milyong estudyante sa 3,000 paaralan na kanilang mga miyembro.
Tiniyak din Kasilag bagama’t hindi na ito bago para sa kanilang mga guro ay magkakaroon pa rin ang mga ito ng refresher course.