Pirmado na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang IRR o Implementing Rules and Regulations para sa subsidy ng pamahalaan sa matrikula ng mga medical students .
Pero paglilinaw ni CHED o Commission on Higher Education Commissioner Prospero de Vera, mula lamang sa walong unibersidad at kolehiyo sa bansa maaaring makapag-avail ng libreng matrikula ang mga medical students simula ngayong buwan.
Kabilang sa walong SUC’S na saklaw ng nasabing kautusan ang Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte, University of Northern Phils sa Ilocos Sur, Cagayan State University at UP College of Medicine sa Maynila .
Gayundin sa West Visayas State University sa Iloilo, Mindanao State University sa Marawi at Iligan gayundin ang UP School of Health and Sciences sa Palo, Leyte.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping