Malabong ibalik sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR).
Ito’y ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III sa gitna na rin ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon.
Ani Densing, hindi natalakay ang naturang hakbang sa kanilang naging pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Huwebes.
Muli ring binigyang diin ni Densing na ang hakbang ng gobyerno ay mabalanse ang pagkakaroon ng mahigpit na protocols kasabay pa rin ng pagbubukas ng ekonomiya.