Kinumpirma ng National Disasater Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na wala nang pasahero at rolling cargos ang nananatiling stranded sa mga pantalan.
Ayon sa naturang ahensya, balik normal na ang operasyon ng lahat ng shipping and fishing companies.
Pinayagan na ring makapaglayag ang mga vessels at motorbanca sa bansa.
Magugunitang sinuspinde ang biyahe ng mga pansasakyang dagat sa ilang lugar sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Ursula.