Inihayag ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang pasya ng pamahalaan na muling magbalik-operasyon ang mga provincial buses papuntang Metro Manila.
Ayon kay Atty. Ariel Inton, founding president ng LCSP, ang naturang hakbang ng pamahalaan ay malinaw na malaking ginhawa sa publiko.
Paliwanag ni Inton, dumami ang mga kolorum na bumabyaheng sasakyang noong nakasailalim sa mahigpit na community quarantine ang bansa makaraang ipatigil ang mga panguhing transportasyon sa bansa.
Dagdag pa ni Inton, ang iba kasi ay napipilitan nang sumakay sa mga kolorum —na mas mahal ang pasahe.
Iginiit naman ng LCSP na sang-ayon ang kanilang grupo sa mga ipinatutupad na health protocols kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), pero anila, kailangan pa rin ang pagdaragdag ng mga ruta ng mga bus para mas marami pa ang maserbisyuhan ng balik-pasada ng mga ito.