Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagbiyahe ng karagdagang mga shuttle service at public utility vehicles sa pampublikong lugar.
Aabot sa 11 shuttle at 55 na mga jeep ang pinayagang umarangkada sa 519 na mga ruta sa Metro Manila
Nilinaw naman ng LTFRB na pawang mga road worthy public vehicles lamang ang maaaring makabiyahe sa gitna ng granular lockdown.—sa panulat ni Angelica Doctolero