Umarangkada na ang mga traditional jeepneys sa may 49 na ruta na inilatag ng Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay Engr. Alberto Suansing, consultant ng DOTr, papayagang bumiyahe hanggang sa linggo ang mga traditional jeepneys kahit walang QR code.
Bumagsak kasi aniya ang website ng LTFRB kung saan puwedeng i-download ang QR code kayat nagbigay muna sila ng kaluwagan hanggang sa linggo.
Sinabi ni Suansing na puwedeng bumiyahe ang lahat ng jeepneys kung kasama ang kanilang ruta sa mga nabuksan na ng DOTr.
Yung dating mga ruta na yan kung dun sila pumapasada pwede hanggang linggo kapag sa Lunes dapat nakakabit na yung QR code nila at kung walang QR code ay ia-apprehend meaning pahihintuin yun ng operation and hindi natin alam kung yung jeep na ba yun ay colorum,” ani Suansing.
Ayon kay Suansing, naka kalat na rin sa mga ruta ng traditional jeepneys ang tanggal bulok, tanggal usok team ng DOTr upang matiyak ang road worthiness ng bibiyaheng mga traditional jeepneys.
Sa ngayon ay nasa mahigit 6,000 jeepneys pa lamang ang pinayagang pumasada subalit patuloy anya ang assessment na ginagawa ng DOTr kung anong mga ruta ang dapat pang buksan.
Para sitahin kung sino yung mga alanganin na jeep like for example; mausok, te-testingin yun meron kaming emission testing na dala-dala para testingin yun, tapos yung preno, kung mahina yung preno, handbrake – kung meron bang handbreak, kapag walang handbreak of course violation yun, yun gulong dapat yung gulong hindi kalbo”, ani Suansing. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.