Tuloy na ang pa arangkada ng mga tradisyunal na jeepneys bukas, July 3.
Ayon kay Engineer Alberto Suansing, adviser ng Department of Transportation (DOTr), mahigit sa 6,000 traditional jeepneys ang pinayagan nang pumasada mula sa kabuuang mahigit sa 50,000 traditional jeepneys sa Metro Manila.
Gayunman, sinabi ni Suansing na tinanggal na nila ang jeepneys sa main road at bumuo ng bagong apatnaput syam na ruta na karaniwang dinaraanan lamang ng mga tricycle.
Hindi na natin sila pinapayagan sa main TORO fare like for example na yung Antipolo- Cubao or yung Aurora Blvd. o Quezon Ave. to Quiapo to Taft Avenue yang Monumento via Rizal Ave. extension, Rizal Ave. – Sta. Cruz wala ng jeep dyan, pinuputol natin hanggang dun lang sila kung saan papatak yung secondary routes doon sa may TORO fare,” ani Suansing.
Ayon kay Suansing, tulad ng sa ibang uri ng transportasyon, kalahati lamang ng kapasidad ng jeepneys ang puwedeng isakay, kelangang kunan ng temperatura ang mga pasahero, pagsusuot ng mask at pagkuha ng kanilang personal na impormasyon para sa contact tracing.
Obligado rin anya ang mga pinayagan nang bumiyahe na magkaroon ng QR code na mada-download sa website ng DOTr upang matiyak na otorisado silang bumiyahe.
Higit sa lahat ay papayagan lamang bumiyahe ang mga pumasa sa road worthiness test.
Dapat yung sasakyan hindi kakarag-karag, makikita naman yun kung karag-karag yung sasakyan, sa amoy palang alam mo na kung bulok. Te-testingin yung usual na hinahanap like for example ilaw, wiper, preno, yung upuan dapat walang butas mga ganun. Then, ang pinakamahalaga sa lahat is ang dapat nagko-conform yung makina dun sa standard set by DENR,” ani Suansing. — panayam mula sa Ratsada Balita.