Binuhay ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kanilang Balik-Pilipinas, Balik-Hanapbuhay Program para sa mga nagbalik bansang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, sinuspinde nila ang programa noong sumiklab ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic subalit kailangan na itong simulang muli dahil sa dami ng OFWs na umuwi dahil sa COVID-19.
Simula anya sa susunod na linggo ay tatanggap na ng aplikasyon ang OWWA sa mga OFWs na interesadong magnegosyo.
P20,000 anya ang grant na ibibigay ng OWWA sa mga OFWs na aktibong miyembro ng OWWA samantalang P10,000 para sa mga inactive members.
May kasama rin anya itong seminar para sa mga negosyong mapipili ng mga OFWs.
Batay sa datos, nasa halos 29,000 OFWs na ang nakauwi ng bansa hanggang nitong ika-21 ng Mayo at libo-libong iba pa ang inaasahang uuwi sa mga susunod na araw.