Umarangkada na muli ngayong Marso ang Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa program ng gobyerno.
Para ito sa mga nais umuwi at manirahan sa kanilang probinsya na malayo sa Metro Manila.
Ngayong araw, pangatlong batch na ang ihahatid sa Masbate na kinabibilangan ng siyam na pamilya na binubuo ng 37 indibidwal.
Dala ng mga ito ang livelihood grant na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development o DSWD bukod sa mga transitory package.–-sa panulat ni Abby Malanday