Dapat ikunsidera ng incoming Marcos Administration ang Balik Probinsya Program.
Ito ang inihayag ni National Population Commission chair Juan Antonio Perez bilang isa sa mga solusyon laban sa kahirapan at lumolobong populasyon.
Ayon kay Perez, mahalagang mapag-aralan ang nasabing programa dahil importanteng maipalaganap nang pantay-pantay ang populasyon at oportunidad sa bawat rehiyon.
Nagsisiksikan anya ang lahat sa mga high income region gaya ng Metro Manila at CALABARZON.
Umaasa si Perez na makabubuo ng polisiya na maglilimita sa Rural to Urban Migration ang papasok na Marcos administration.
Bukod dito, kabilang din sa mga iminungkahi ng POPCOM ang paglikha ng polisiya na may kinalaman sa Income Disparity, Good match ng labor skills to education o dapat nakatutok ang edukasyon sa kung ano ang kailangan ng rehiyon.