Balik na ang sesyon ng Kamara sa ika-4 ng Mayo –may quarantine man o wala.
Ayon ito kay House Speaker Alan Peter Cayetano dahil nakasaad ito sa konstitusyon na dapat sundin ng Kongreso.
Sinabi ni Cayetano na hinihintay na lamang nila ni Senate President Vicente Sotto III ang magiging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa estado ng quarantine.
Sakaling naka-quarantine pa rin ang buong Luzon pagsapit ng naturang petsa, inihayag ni Cayetano na gagawing online ang sesyon ng mga kongresista.
Tiwala naman si House Majority Floorleader Martin Romualdez na wala silang magiging problema sa paggamit ng electronic technology matapos lumahok ang 300 kongresista sa idinaos na special session kung saan inaprubahan ang Bayanihan to Heal as One Act.a