Suportado ng mga cinema operator ang posibleng pagbabalik ng operasyon ng mga sinehan sa Metro Manila sa oras na ipatupad ang alert level 3.
Ayon sa Cinema Exhibitor Association of the Philippines (CEAP), kapag nabigyan ng go-signal na magbalik-operasyon, maglalatag sila ng mahigpit na protocol sa pagpapapasok ng mga manonood sa mga sinehan.
Inihalimbawa na lamang ni CEAP President Charmaine Bauzonang one-seat-apart policy,panonood habang naka-facemask habang ipagbabawal ang pagkain.
Simula Marso noong isang taon, aabot na anya sa P21-B ang nalugi sakita ng mga sinehan at mahigit 300,000 cinema workers ang nawalan ng trabaho. —sa panulat ni Drew Nacino