Inamin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng tuluyan nang masuspindi ang Balikatan Exercises sa susunod na taon.
Ito ayon kay Lorenzana ay dahil malinaw naman sa mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw nito sa joint military exercise sa Amerika.
Bukod dito, sinabi ni Lorenzana na nababago naman kada taon ang kasunduan para sa Balikatan kayat wala pang kasunduang napipirmahan para sa 2017 exercises na pag-uusapan pa sa susunod na buwan.
Samantala tapos na sa Miyerkules ang Phiblex 2016 kung saan magkasamang nagsasanay ang mga tropa ng Amerika at AFP sa loob ng walong araw.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)