Pormal nang binuksan ng militar ng Pilipinas at Amerika ang taunang Balikatan Exercises.
Kalahok sa Balikatan Exercise 2017 ang tinatayang anim na libong (6,000) mga sundalo mula sa Pilipinas at Amerika kasama na ang mga sundalo mula sa Australia at Japan.
Ang pagbubukas ng Balikatan ay pinangunahan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, AFP Chief of Staff General Eduardo Año, US Ambassador Sung Kim, at Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Ariel Abadilla.
Ayon kay Lorenzana, nakatutok ang Balikatan ngayong taon sa HADR o Humanitarian and Disaster Relief Operations.
Ispesyal anya ang Balikatan sa mga panahong ito ng matitinding kalamidad kung saan nangangailangan ng pagtutulungan ang bawat bansa.
By Len Aguirre | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
Balikatan Exercises 2017 umarangkada na was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882