Opisyal nang nagtapos ang Balikatan Exercises ngayong araw na ito.
Kaugnay nito, magkasamang tiniklop ng Balikatan directors sa panig ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga sundalong Amerikano ang bandila ng Balikatan.
April 4 nang magsimula ang Balikatan kung saan ang iba’t ibang aktibidad ay isinagawa sa Rizal , Palawan, Nueva Ecija at Tarlac.
Itinuturing ni US Defense Secretary Ashton Carter na matagumpay ang naturang Balikatan kahit pa aniya isang sundalong Pinoy ang nasawi matapos pumalya ang parachute jumping nito sa Subic kasabay ang pakikiramay sa pamilya nito.
Binigyang diin ni carter na ang balikatan ay patunay ng iron clad commitment ng amerika sa usaping panseguridad ng pilipinas kasabay ang pasasalamat sa mga sundalong pilipino
Bigger
Mas malaking Balikatan Exercise ang asahan sa susunod na taon.
Ayon ito kay Balikatan Exercises 2016 Director Vice Admiral Alexander Lopez.
Sinabi ni Lopez na asahan na ng mga Pilipinong sundalo ang mas modernong kagamitan at teknolohiya sa kanilang joint military training.
Ngayong taon naman itinuturing ng militar na pinakamalaking Balikatan Exercise sa kasaysayan dahil libu-libong sundalong Amerikano at Pinoy ang nakiisa rito bukod pa sa tropa ng mga sundalo mula sa Japan, Australia at Vietnam.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)