Gugulong na bukas ang Balikatan joint military exercises 2017 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano.
Ang nasabing Balikatan exercises ayon kay Major Frank Sayson, spokesman ng Balikatan sa panig ng Pilipinas ay gagawin sa main headquarters ng Armed Forces of the Philippines.
Sinabi ni Sayson na inaasahan nilang dadalo sa seremonya sina defense secretary Delfin Lorenzana, AFP chief of staff general Eduardo Año, Foreign Affairs secretary Enrique Manalo at US ambassador to the Philippines Sung Kim.
Ipinabatid ni Sayson na SSC o Single Scenario Concept, iikot ang Balikatan sa taong ito.
Tututok aniya ang joint military exercises ngayong taon sa humanitarian assistance and disaster response.
By Judith Estrada-Larino
Balikatan joint military exercises gugulong na bukas was last modified: May 7th, 2017 by DWIZ 882