Mas magiging merry ang Pasko ng mga magsisiuwiang Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ito’y matapos mabatid mula sa Bureau of Customs na hindi na bubuwisan ang mga bitbit na pasalubong o balikbayan box ng mga OFWs para sa kanilang pamilya.
Ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon, tax-free na ang mga pasalubong na may halagang P10,000 pababa.
Exempted din sa buwis ang mga ipapadalang balikbayan box ng mga OFWs na ang halaga ay hindi lalagpas sa P150,000.
Paliwanag ng Customs, hindi lamang ang mga OFWs ang sakop ng polisiyang ito kundi lahat ng mga Pilipino.
Tinatayang halos 2 milyong OFWs ang umuuwi sa bansa tuwing holiday season.
Kaugnay nito, nilinaw naman ng Customs na hindi kasali sa mandato ang mga imported na sigarilyo at alak dahil papatawan pa rin ang mga ito ng excise tax.
By Jelbert Perdez