Pinuri ni vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang World Health Organization (WHO) matapos ihayag na ipapadala na sa Pilipinas sa unang quarter ng taon ang COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca.
Ayon kay Galvez, nakatanggap sila ng liham mula kay COVAX facility managing director Aurélia Nguyen na nagsasaad na makukuha ng bansa ang 9,407,400 doses na bakuna kontra coronavirus mula sa dalawang pharmaceutical makers.
Sinabi ng kalihim na batay pa rin sa sulat ni Nguyen, gagawin ang initial delivery sa kalagitnaan o katapusan ng Pebrero ngayong taon.
Aniya, patunay lamang ito na sa ilalim ng COVAX facility ay magiging patas ang pamamahagi ng mga bakuna sa buong mundo na akma rin sa prinsipyo ng administrasyong Duterte na “walang maiiwan, walang iwanan.”