Tinawag na iresponsable ng Malacañang ang balita ng international news agency na Agence France Presse na magdedeklara umano ng Martial Law ang gobyerno na muling inilathala ng Philippine Daily Inquirer.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernie Abella, mapanlinlang ang headline ng dalawang nasabing news agency para lamang makakuha ng atensyon ng publiko.
Iginiit ni Abella na walang statement ang Palasyo hinggil sa umano’y pagdedeklara ng pamahalaan ng Batas Militar sa buong bansa sa susunod na linggo.
Malinaw naman anya sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na maaari lamang magdeklara ang gobyerno ng martial law sakaling ang nakatakdang kilos protesta ng mga militante ay mahahaluan ng mga armadong grupo.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE