Hindi maaaaring gamitin bilang ebidensya sa anumang administrative proceedings ang mga newspaper reports.
Ayon ito kay House Deputy Speaker Rufus Rodriguez matapos gamitin ni Edwin Cordevilla ng Pilipino league of advocates for good government ang ilang newspaper column sa impeachment complaint nito kontra Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Sinabi ni Rodriguez, dating law dean na kailangang magkaroon ng clear at direct testimony bukod pa sa documentary evidence dahil hindi uubra sa anumang administrative proceedings kung mga newspaper reports lamang ang pinanghahawakan ng complainant.
Iginiit ni Rodriguez na kailangan ng substantial evidence para tumayo ang reklamo at hindi maibasura lang.