Mas marami ang tumatangkilik ng balita sa Facebook kumpara sa pakikinig sa radyo at pagbabasa ng diyaryo.
Ito ay ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations o SWS.
Lumabas na nasa 13 milyong katao ang gumagamit ng Facebook araw-araw bilang source ng balita.
60 porsyentong indibidwal naman na telebisyon pa rin ang pinagkukunan ng balita, 15 porsyento naman ang sa radyo habang dalawang porsyento naman ang sa dyaryo.
Ipinakita rin ng survey na mayroong 31% ng 30.4 million Filipino adults na mayroong social media account ang sumusuporta at nagpropromote ng mga post tungkol sa lipunan at politika na ibinabahagi ng iba habang 6% lamang ang nagpopost ng sarili nilang mga saloobin.
Ginawa ang survey sa isang 1,440 respondents.