Binigyang paalala ni Pope Francis ang mga taga media sa buong mundo
Ayon sa Santo Papa, maituturing na terorismo ang mga balitang buhat sa tsismis at lumilikha ng takot at gulo sa publiko.
Binigyang diin ng Santo Papa na ang pagpapakalat ng tsimis ay paraan aniya ng pagpatay gamit ang ating mga dila.
Ipinaalala ni Pope Francis na tungkulin ng mga mamamahayag na alamin ang katotohanan sa bawat istorya.
Sinabi pa ng santo papa na malawak ang naaabot ng boses ng mga miyembro ng media kaya’t napaka makapangyarihang sandata aniya ang mga ibinabalita ng mga ito.
By: Ralph Obina