Itinanggi na rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang balitang diskwalipikado na sa senatorial at party-list race ang mga pambato ng Makabayan Bloc.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, walang katotohan ang kumakalat na memorandum na nagdidiskwalipika sa mga progresibong party-list group na Bayan Muna, Anakpawis, Alliance of Concerned Teachers (ACT), at Gabriela pati na rin si senatorial bet Neri Colmenares.
Aniya, wala silang kahit anong inilalabas na resolusyon gayundin ang First Division ng ahensya.
Giit niya, kung anong pangalan ang nakalista sa mga balota ay sila na ang mga kwalipikado hanggang sa mga oras na ito.
Handa raw ang COMELEC na hanapin at panagutin ang sinumang nagpakalat ng maling impormasyon kung saan maaari itong makasuhan ng cyber-libel at paglabag sa Omnibus Election Code.