Peke ang mga balita na palalawigin pa ng 60 araw ang enhanced community quarantine sa Luzon.
Binigyang diin ito ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, Spokesman ng Inter Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Nograles, may binuo na silang technical working group na pamumunuan ng Department of Health (DOH) upang maglatag ng mga pamantayan na gagamitin upang desisyunan kung puputulin na o palalawigin pa ang umiiral na quarantine sa ngayon.
Importante po ito at uulit-ulitin po namin, hindi po totoo ang kumakalat na balita, fake news po na ieextend ang enhanced community quarantine ng 60 days. Sa usapin na ito, science is in-charged. Sana po ay malinaw ito sa ating lahat,” ani Nograles.