Itinanggi ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang kumalat na balita sa social media na sumakabilang buhay na ang kanyang inang si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Naglabas ng paglilinaw si Marcos makaraang mag-post sa kanyang Twitter Account si Bacoor Cavite Mayor Lani Mercado Revilla ng pakikidalamhati sa Pamilya Marcos dahil sa pagyao ng kanilang ina.
Agad namang binura ni Revilla ang kanyang tweet makaraang matanggap ang paglilinaw at agad ring humingi ng paumanhin sa Pamilya Marcos.
By Len Aguirre