Pinabulaanan ng Malakanyang ang mga kumakalat na balitang isusunod nang ipasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malalaking media networks sa bansa.
Kasunod ito ng pag – revoke ng SEC o Securities and Exchange Commission sa lisensya ng online news website na Rappler.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi puwedeng basta-basta na lamang ipasara ang operasyon ng mga media organization na mayruon namang kaukulang prangkisa.
Kung mayroon man aniyang isyu o problema sa prangkisa ng isang media company ay labas na dito ang Malakanyang dahil trabaho na ng Kongreso ang pag – apruba sa ‘franchise renewal’ ng mga ito.
Una nang kumalat ang balitang sunod na umanong ipapasara ng pamahalaan ang ABS-CBN at Inquirer.