Kinondena ng United Nations Security Council ang paglulunsad ng North Korea ng ballistic missile.
Binigyang diin ng Security Council na ang nasabing hakbang ay malinaw na paglabag sa resolusyon ng konseho na nagpapataw ng parusa laban sa mga komunistang bansa.
Nanawagan ang konseho sa NoKor na itigil na ang mga provocation kabilang na ang nuclear tests.
Magugunitang tatlong medium range ballistic missiles ang pinakawalan ng Pyongyang noong Lunes.
By Judith Larino