Dalawa pang ballistic missiles na pinakawalan ng Houthi rebel ng Yemen ang pinasabog ng Saudi Arabia.
Na-intercept ng Saudi Royal Air Defense Force ang mga missile sa mga lungsod ng Jizan at Najran na malapit lamang sa Yemeni border.
Hindi naman idinetalye ng Saudi Arabia kung may mga casualty sanhi ng pagbagsak ng pira-pirasong bahagi ng mga nasabing projectile.
Umabot na sa 182 ballistic missile ang pinalipad ng mga rebelde patungo sa Saudi Arabia simula nang sumiklab ang civil war sa Yemen.
—-