Muling nagtagumpay ang India sa pag-test-fire nito sa kanilang long-range Intercontinental Ballistic Missile na may nuclear capability o may kakayahang magdala ng armas nukleyar.
Ang nuclear-capable na Agni-5 ay pinaniniwalaang pinaka-advance na long range ICBM ng India na may kakayahang umabot sa China.
Ayon sa Indian Defense Ministry, isinagawa ang test fire sa Abdul Kalam Island sa Odisha State.
Ito’y bilang bahagi ng pagpapalakas ng defense capabilities ng India sa gitna ng territorial dispute sa Pakistan at China.
—-