Nakipagsabwatan umano ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa Commission on Elections o COMELEC gayundin sa kumpaniyang Smartmatic.
Ito’y ayon kay dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos ay para lantarang dayain umano ang resulta ng resulta ng halalan sa pagka-pangalawang pangulo noong 2016 Presidential elections.
Kahapon, ipinakita ni Marcos ang ilang ballot images na nagpapakita ng kuwestyunableng pagkakabilang ng boto pabor kay Robredo gayung malinaw na hindi naman para sa kaniya ang mga ito.
Ginawa umano ang nasabing pandaraya nang lumikha ang COMELEC ng mga regional hubs kung saan aniya isinasailalim sa re-programming ang mga masisirang SD cards noong araw ng halalan.
Sinasabing naglabas ng resolusyon ang COMELEC para rito anim na araw bago ang botohan subalit giit ng kampo ni Marcos na hindi ito ipinabatid sa kanila.
—-