Halos patapos na ang pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office (NPO).
Ipinabatid ito ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesman James Jimenez bagamat tiwala sila hanggang sa araw ng Linggo ay 100 porsyento nang makukumpleto ang mga gagamiting balota sa May 9 elections.
Sinabi ni Jimenez na kailangan pang dumaan sa verification process ang mga naimprentang balota para tiyaking mababa ng vote counting machines.
Magugunitang inihayag ng COMELEC na April 25 ang target date nilang makumpleto ang 56 na milyong balota para sa darating na eleksyon kabilang ang mga balota para sa final testing at demo ballots.
By Judith Larino