Uunahin muna ng Commission on Election o COMELEC na ilimbag ang mga gagamiting balota para sa overseas absentee voting.
Inihayag ito ni COMELEC Chairman Andres Bautista makaraang muling ipagpatuloy ang pag-iimprenta sa mga balota matapos ang ilang araw na pagkaka-antala.
Kahapon, dumating na sa National Printing Office o NPO ang tamang layout ng mga balota kung saan, kasama na ang partido ni Senadora Miriam Santiago na People’s Reform Party.
Paliwanag ni Bautista, kailangan munang unahin ang OAV ballots dahil ide-deliver pa ito sa ibayong dagat subalit asahan naman na makakamit pa rin nila ang target na deadline sa ballot printing na Abril 25.
By Jaymark Dagala