Nakumpleto na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta sa lahat ng balotang gagamitin para sa eleksyon.
Ayon kay Genevieve Guevarra, Head ng COMELEC Printing Committee, kabuuang 55,681,284 ballots ang kanilang naimprenta na natapos kahapon ng umaga.
Iilang balota na lang din anya ang kailangang idaan sa verification process kung saan isa isang ipapasok sa vote counting machine ang mga balota upang malaman kung tatanggapin ba ito o iluluwa ng makina.
Inaaasahan ng COMELEC na makukumpleto nila ang verification process sa April 20, limang araw na mas maaga kaysa sa itinakda nilang deadline.
By Jonathan Andal