Magsisimula na ngayong araw ang pag-imprenta sa 77 milyong balota na gagamitin sa nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre.
Ito ay sa kabila ng panukalang batas na isinusulong Kongreso na ipagpaliban ang nakatakdang eleksyon.
Ayon kay COMELEC o Commission on Elections Spokesman James Jimenez, ilang beses na nila itong ipinagpaliban at magagahol na sila sa oras kung hindi pa itutuloy ang pag-imprenta ngayong buwan.
Mas mabuti na aniya na nakahanda na sila anuman ang maging desisyon ng Kongreso sa naturang halalan.
Sinabi ni Jimenez na uunahin na iimprenta ang balota para sa Batanes hindi tulad nang nakagawian na inuuna ang balota para sa Mindanao.
Aniya, magsasagawa pa ng public hearing bago pagdesisyunan kung isasama sa pag-imprenta ang para sa Mindanao sa kabila ng nagaganap na banta ng terorismo at karahasan at pag-iral ng Martial Law.
By Rianne Briones