Sisimulan na sa Huwebes, Pebrero 7 ang pag-i-imprenta ng mga balotang gagamitin sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec), uunahing ipa-imprenta ang mga balota para sa overseas absentee voting o OAV dahil kailangan pang ipa-ship ang mga ito sa ibayong dagat.
Magsisimula ang overseas absentee voting sa Abril o isang buwan bago ang halalan sa Pilipinas.
Inaasahan namang matatapos ang ballot printing sa kalagitnaan ng Abril.
Batay sa datos ng Comelec, halos isa punto walong (1.8) milyon ang rehistradong overseas Filipino voters para sa midterm elections.
—-