Tuluyan nang ipinatigil ng Commission on Elections (COMELEC) ang printing ng balota para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, malinaw naman na nagkakasundo ang dalawang kapulungan sa pagpapaliban ng eleksyon.
Aniya, inaasahan nang magpapasa ng batas ang Kongreso upang maging opisyal ang pagpapaliban sa eleksyon.
Lunes nang ipatigil ng COMELEC ang printing ng mga balota kasunod ng naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na suportado nito ang pagpapaliban ng SK at barangay elections.
By Rianne Briones