Kumpiyansa ang Commission on Elections (COMELEC) na matatapos nila ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa halalan sa Mayo bago sumapit ang April 25 deadline.
Sa katunayan, sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na posibleng bago pa sumapit ang mismong araw ng deadline ay tapos na sila.
Ito’y sa kabila ng tatlong beses nang pagkakaantala ng printing ng mga balota.
Ipinabatid din ni Jimenez na plano nilang ilagay sa full speed capacity ang kanilang mga printing machine upang mas mapabilis ang pag-iimprenta ng mga balota.
Sa ngayon kasi, ang tatlong printers ng COMELEC sa National Printing Office sa Quezon City ay may kakayahang mag-imprenta ng higit sa 1 milyong balota kada araw, lalo na kung wala namang sagabal o magiging problema.
By Meann Tanbio | Allan Francisco