Dinagsa ng mga turista, dayuhan man o lokal ang bayan ng Gubat, Sorsogon para masaksihan ang Balod Surfing Competition na bahagi ng nagpapatuloy na Kasanggayahan Festival 2019.
Ginanap ang kompetisyon sa Buenavista Surf Camp kung saan nasa 20 surfers ang nagpakitang gilas.
Tatagal ang kompetisyon hanggang bukas, Linggo, Oktubre 27.
Maliban sa surfing, ginanap din ang isang battle of the bands sa gubat kagabi.