Nais malinawan ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa umano’y ‘Bamboo Triad’ na ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang isa sa mga kumokontrol ng kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Lacson, Bamboo Gang at hindi Bamboo Triad ang mayroon aniya sa Taiwan na kilala rin bilang 14K habang Hong Kong Triad naman ang alam niyang kalaban nito na nag-ooperate din sa Taiwan.
Paglilinaw ni Lacson, hindi niya kinukuwestyon ang mga sources ng Pangulo subalit posible aniyang napag-halu halo nito ang mga pangalan ng grupo na sangkot sa droga, prostitusyon at krimen.
Nauna nang pumalag ang Taiwan sa naging pagbubunyag na ito ng Pangulo sabay himok sa punong ehekutibo na maglabas ng matibay na ebidensya at impormasyon na sususporta sa naturang alegasyon.
Ngunit sa kaniyang talumpati kahapon sa ika-116 na anibersaryo ng Battle of Balangiga sa Samar, tila binawi na ng Pangulo ang bansag nito na Bamboo triad sa Bamboo gang.
PAKINGGAN: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
—-