Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kontrolado na umano ng tinaguriang ‘Bamboo Triad’ ng Taiwan ang kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kaniyang talumpati kahapon sa ika-56 na anibersaryo ng PHILCONSA o Philippine Constitution Association.
Ipinaliwanag ng Pangulo na isa nang client state ang Pilipinas ng nasabing grupo at ginagamit pa nito ang bansa bilang transshipment point ng shabu na ibinabiyahe sa Amerika.
Binigyang diin pa ng Pangulo na maliban sa droga, sangkot din aniya ang nasabing grupo sa iba’t ibang uri ng krimen sa Pilipinas.
Una nang iginiit ng Pangulo na isa nang Narco State ang Pilipinas dahil sa ito aniya ang nagiging daanan ng mga kontrabando ng shabu patungo sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ulat ni Jopel Pelenio