Inalis na ni Bohol Governor Arthur Yap ang suspensyon sa air and at sea travel ng mga pasaherong patungong lalawigan.
Gayunman, dapat pa ring sumunod ang mga uuwing residente maging ang mga turista sa requirements kabilang ang pagsusumite ng negative swab test result tatlong araw bago ang biyahe.
Sa ilalim ng Executive Order 42, sasailalim sa limang araw na quarantine sa isang government-approved public o private quarantine facility ang sinumang pupunta ng Bohol.
Agosto a-sais nang suspindehin ang domestic air at sea travel sa Bohol ng dalawang linggo upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19 Delta variant pero pinalawig ng isa pang linggo. —sa panulat ni Drew Nacino