Iimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang ipinatupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ban sa pagbebenta sa mga palengke ng imported na isda, gaya ng pampano at salmon na walang sertipikasyon.
Noon lamang isang linggo ay inanunsyo ng BFAR na simula Disyembre a – 4 ay ipagbabawal na ang pagbebenta sa mga nasabing isda batay sa Fisheries Administrative Order (FAO) 195.
Gayunman, nagtataka ang Ombusdman kung bakit ngayon pa lamang ipatutupad ang FAO 195 gayong noong 1999 pa nilagdaan ang naturang kautusan.
Binigyan naman ng tanodbayan ng hanggang tatlong araw ang BFAR upang makapagpaliwanag.