Patuloy na ipatutupad ng China ang ‘ban’ o pagbabawal nito sa pagbyahe ng kanilang mga mamamayan sa ibayong dagat, at pagbabawal sa mga travel agencies na magdala ng mga dayuhan sa kanilang bansa dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa pahayag ng Ministry of Culture and Tourism, ang naturang hakbang ay para maiwasan ang muling pagsipa ng virus sa papalapit na winter season doon.
Dagdag pa ng ahensya, makatutulong din ang pagbabawal sa pagpapalabas-masok sa kanilang bansa para tuluyang ma-flattened ang curve ng virus.
Nauna rito, sinuspinde ng China ang kanilang domestic at outbound tours nitong Enero 2020 para paigtingin ang ginagawang pag-iingat laban sa COVID-19.
Samantala, dahil dito, inaasahang mas bababa pa ang kita ng turismo sa Thailand dahil kilala itong paboritong puntahang bansa ng mga Chinese tourist.