Aalisin na ng gobyerno ang ban sa mga bagong hire na health care workers sa ibang bansa kapag umayos na ang sitwasyon sa mga bansang ito sa isyu ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque na naglinaw ding ipinatupad ang ban para masiguro ang kaligtasan ng Pinoy healthcare workers laban sa COVID-19.
Sa ngayon tanging ang mga healthcare workers lamang na mayroong employment contract hanggang nitong nakalipas na March 8 ang papayagang umalis ng bansa matapos ang paggawa ng isang declaration na batid nila ang mga panganib na kasangkot sa kanilang pag-alis batay na rin sa naging payo ng gobyerno.
Exempted naman sa nasabing ban ang mga babalik na healthcare workers na mayroong hawak na Overseas Employment Certificate exemption certificate.